Maligayang pagdating sa Wikipedia!
Napiling artikulo

Ang Berlin ay ang kabesera ng Alemanya. May 3.7 milyong naninirahan, ito ang pinakamalaking lungsod sa bansa ayon sa lugar at populasyon, at ang pinakamalaking lungsod ayon sa populasyon sa buong Unyong Europeo, ayon sa populasyon sa loob ng mga limitasyon ng lungsod. Isa sa labing-anim na kinabibilangang estado ng Alemanya, ang Berlin ay napalilibutan ng Estado ng Brandeburgo at kadugtong ng Potsdam, ang kabesera ng Brandeburgo. Ang urbanong pook ng Berlin, na may populasyon na humigit-kumulang 4.5 milyon, ay ang pangalawang pinakamataong urbanong pook sa Alemanya pagkatapos ng Ruhr. Ang kabeserang rehiyon ng Berlin-Brandeburgo ay may humigit-kumulang 6.2 milyong mga naninirahan at ito ang ikatlong pinakamalaking kalakhang rehiyon ng Alemanya pagkatapos ng mga rehiyon ng Rin-Ruhr at Rin-Meno. Nagkaroon ng bigong pagtatangkang pag-isahin ang parehong estado noong 1996, at sa kabila ng nananatiling hiwalay, ang dalawang estado ay nagtutulungan sa maraming kalakaran hanggang ngayon. Ang lungsod ay isang sentro ng edukasyon, politika, media, agham, at kultura, kung saan maraming kilalang museo ang matatagpuan dito. Tampok sa mga tanyag na monumento ay ang Palasyo ng Berlin, Tarangkahang Brandeburgo, at Katedral ng Berlin (nakalarawan).
Alam ba ninyo ...

- ...na ang Sufismo (nakalarawan) ay umusbong mula sa Hejaz, modernong Saudi Arabia?
- ...na ang pinagmulan ng mga bubuo ng Imperyong Seljuk ay bandang malapit sa Dagat Aral?
- ...na ang estilo ng artistang dekolonyal na si SM Sultan ay pagpinta ng mga magsasakang Bengali na labis na muskulado at abala sa mga pang-araw-araw na aktibidad?
- ...na ang Ugnayang India–Italya ay napakasinauna pa, na ang isang nagpapatotoo ay 70% ng mga resipeng Romano ay nangangailangan ng paminta mula India?
- ...na ang kantang "Cosmic Castaway" ng Electrasy ay tampok sa pelikulang Titan A.E.?
Napiling larawan

Ang Santa Francesca Romana (Italyano: Basilica di Santa Francesca Romana), na dating kilala bilang Santa Maria Nova, ay isang simbahang Katoliko Romano na matatagpuan sa tabi ng Porong Romano sa rione Campitelli sa Roma, Italya.
May-akda ng larawan: Diego Delso
Patungkol
Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman. Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ng Creative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.
Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.
| Sa ngayon, mayroon ang Wikipediang Tagalog na: | |
| 50,849 artikulo |
291 aktibong tagapag-ambag |
Paano makapag-ambag?
Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.
Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan
Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.
Kaganapan

- Isang lindol na may lakas na Mw 7.8, na ang episentro ay nasa karagatan sa tapat ng Maasim, ang yumanig sa Mindanao, Pilipinas. Naramdaman din ito hanggang sa Leyte, sa mga lalawigan ng Hilagang Maluku at Hilagang Sulawesi sa Indonesya, at sa Sabah sa Malaysiya. Hindi bababa sa 35 katao ang nasawi, mahigit 200 ang nasugatan, at 12 ang nawawala (nakalarawan ang pagguho ng lupa sa Saranggani).
- Naitala rin ang mga sunami sa Guam, Palau, at ilang bahagi ng Indonesya, Hapon, at Pilipinas. Binawi ng Pacific Tsunami Warning Center (PTWC, o Sentrong Pambababala ng Sunami sa Pasipiko) ang babalang sunami nito para sa Guam at sa Hilagang Kapuluang Mariana, habang inalis naman ng mga ahensiya sa Australya, Malaysiya, at Nuweba Selandiya ang kani-kanilang mga babala. Kalaunan, kinumpirma ng PTWC na lumipas na ang banta ng sunami ilang oras matapos ilabas ang babala para sa ilang bahagi ng Karagatang Pasipiko.
- Iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos ng Pilipinas ang pagsuspinde ng mga klase sa mga lugar na naapektuhan ng lindol sa buong Mindanao. Nagkataon itong unang araw ng bagong taong panuruan sa bansa.
Sa araw na ito (Nobyembre 22)

- 1573 — Ang lungsod ng Niterói ay itinatag sa Brasil.
- 1963 — Napaslang si dating Pangulo ng Estados Unidos John F. Kennedy sa Dallas, Texas
Mga huling araw: Nobyembre 21 — Nobyembre 20 — Nobyembre 19

-
Commons
Repositoryo ng midya -
Wikidata
Datos ng kaalaman -
Wikikawikaan
Mga sipi -
Wiksiyonaryo
Diksiyonaryo -
Wikispecies
Direktoryo ng mga espesye -
Wikivoyage
Gabay sa paglalakbay -
Wikisource
Aklatan -
Wikiversity
Kurso at aralin -
Wikibooks
Aklat-aralin at manwal -
Wikifunctions
Librerya ng mga punsyon -
MediaWiki
Paggawa ng software na wiki -
Meta-Wiki
Koordinasyon ng proyektong Wikimedia
-
1,000,000+ artikulo
-
250,000+ artikulo
-
50,000+ artikulo